Araw ng kalayaan

Siguro di pa ako huli sa pagsulat tungkol sa 11o taong pagdririwang ng ating kalayaan .. ang kalayaan na to ay..

... para sa mga tambay sa tindahan ni aling Mercy na nakakapag kwentuhan, kantahan at inuman hangang alas 3 ng umaga.

...sa mga batang hiphop, punks, metal at emo na nakakaporma ...

...Para kay Dong at kay Day na malayang nakakapagholding hands at magdate sa Luneta pag day off nila.

...Para sa mga pamilya na sama-samang nakakapasyal sa mall....Para sa mga kababaihan na malayang nakakapagtrabaho ...Para sa mga taong tulad ko na malayang makapag pahayag ng sariling opinyon. ...Para sa mga OFW s na ngsisikap sa ibang bansa ....At sa bawat Pilipino na ummaasa pa rin na isang araw uunlad ang bansa.

Sa lahat ng pinagdaanan mo Pilipinas, sana wag kang kalimutan ng mga anak mo na itataguyod ang iyong pangalan at dangal. Mabuhay ka! Whoohoo!

0 Responses